PINAKABAGONG kampeon mula sa Team Lakay si Joshua “The Passion” Pacio nang gapiin si Yoshitaka “Nobita” Naito sa ONE: Conquest of Heroes nitong weekend sa Jakarta Convention Center sa Indonesia.

TINANGHAL na bagong ONE Championship World Strawweight champion si Josua Pacio (gitna). (ONE PHOTO)

TINANGHAL na bagong ONE Championship World Strawweight champion si Josua Pacio (gitna). (ONE PHOTO)

Kakaibang Pacio ang nasaksihan ng mixed martial arts fans nang dominahin ang reigning champion tungo sa impresibong panalo at agawin ang ONE Strawweight title.

Sa edad na 22-anyos, masasabing bata pa sa karanasan si Pacio, ngunit sa pananaw sa buhay isa na siyang beterano na handang magsakripisyo para sa kapakanan nang mas nakararami.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Nung round three, medyo nag-alalay ako. Nararamdaman ko lakas niya and yun nga na takedown ako. Sabi nga ni coach ‘don’t let your butt touch the mat’,” pabbabalik-gunita ni Pacio sa kaganapan.

Ikinatuwa ng Team Lakay na naisakatuparan ni Pacio ang ‘three-point game plan’ kung saan masinsin niyang na-target ang karibal sa calf, solar plexus at jaw.

“Yung three-point plan is yung calf (leg), solar plexus (mid-section) and panga (jaw). Galaw siya ng galaw so di ko matamaan yung solar at panga. So sa calf-kick talaga ang inimplement ko,” sambit ni Pacio.

Hindi napigilan ni Pacio ang mapaluha nang tanggapin ang belt at premyo at ipinahayag na naging motivation niya ang mga kababayan sa Cordillera na sinalanta ng bagyong ‘Ompong’.

“Last week, typhoons struck Baguio City, Benguet, and the Cordilleras. A lot of places were hit hard. Many people died and some are still missing. This is for all of them. I know that the Cordilleras will come back and rise again soon as one,” aniya.

Pinasalamatan niya ang Maykapal na aniya’y gumabay sa kanya, gayundin ang suporta ng kanyang mga kababayan at sponsors.

“I’m speechless, but I want to thank the Lord Jesus Christ, and ONE Championship for the privilege and this unexplainable feeling,” pahayag ni Pacio.

“I would like to thank my coach Mark Sangiao, who is here, and all our coaches, friends and sponsors. They had our back since day one. I tried to counter his (Naito’s) takedowns and grappling, but this guy is a legend. He was so tough,” aniya.

Niluluto na ang rubber match sa kanilang karibalan ni Naito, ngunit maghihintay muna ang mga tagahanga dahil mauna munang maglaban sina Naito at Brazilian star Alex Silva.

“Sabi ni boss Chatri (Sityodong) na may rubber match sila ni (Alex) Silva this coming November. So tingin ko kung sina manalo dun ang makakalaban ko,” sambit ni Pacio.

Anu’t anuman, siguradong matatapos ang taon na tangan ni Pacio ang ONE Strawweight title.

-Brian Yalung