RABAT (AFP) – Binaril nitong Martes ng Moroccan navy ang bangka na sinasakyan ng mga migrant na hindi sumunod sa kautusan nito, na ikinamatay ng isang babae at ikinasugat ng tatlong iba pa, sinabi ng mga opisyal.
Ayon sa pahayag ng mga awtoridad ng Morroco, napilitan ang patrol na barilin ang speedboat na minamaneho ng isang Spaniard na tumangging sumunod sa mga kautusan sa baybayin ng M’diq-Fnideq. Nakahiga ang mga sakay ng powerboat at hindi nakikita.
Apat na migrant ang nasugatan, kabilang ang isang babaeng Moroccan na namatay sa ospital dahil sa mga tinamong sugat.
Ayon kay Mohamed Benaissa, pinuno ng Northern Observatory for Human Rights, 25 katao ang sakay ng bangka kabilang ang people traffickers na Spanish nationals.
Ang Morocco ang pangunahing ruta ng sub-Saharan Africans na nagtatangkang makarating sa Europe sa pamamagitan ng Spain.