Mga laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- NLEX vs Blackwater

7:00 n.g. -- Rain or Shine vs Magnolia

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

SA pagbabalik ni bench tactician at National coach Yeng Guiao, masusubok ng NLEX ang kakaibang tikas ng Blackwater na itataya ang kanilang sorpresang pamumuno ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2018 PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Ganap na 4:30 ng hapon ang sagupaang Road Warriors at Elite na susundan ng tapatang Rain or Shine at Magnolia ganap na 7:00 ng gabi.

Naitala ng Elite ang franchise best start na 4-0 matapos padapain ang Barangay Ginebra, 124-118 sa overtime nitong Biyernes habang manggagaling naman ang Road Warriors sa mahigit 20 araw na break pagkaraang malasap ang ikalawang pagkatalo sa loob ng limang laro sa kamay ng San Miguel noong Setyembre 1, 112-125.

Ito ang unang pagkakataong muling uupo si Guiao sa bench ng Road Warriors matapos ang kanyang stint bilang coach ng national men’s basketball squad sa nakaraang Asian Games at 4th window ng FIBA World Cup Qualifiers.

Umaasa si Guiao maipagpapatuloy niya at kung maaari ay mahigitan pa ang magandang performance ng koponan habang wala siya sa bench.

“The challenge is to continue the tone they have set while I was away, and hopefully get even better,” ani Guiao, hangad na magamit at maibahagi rin sa team ang mga natutunan niya sa kanyang stint bilang Gilas Pilipinas coach.

“I’m excited because even though it’s been a tiring month, I just want to see the guys apply new knowledge and lessons we’ve learned from playing internationally. So we are bringing in some adjustments, some new concepts, and hopefully that can help us grow as a team and as individuals,” aniya.

Para naman sa katunggaling Blackwater, umaasa si coach Bong Ramos na magtuluy-tuloy ang magandang larong ipinamamalas ng Elite.

“ I think yung character andun na.Di na bumibitaw, di bumibigay.Yung team, nag-i-enjoy na manalo.Sana maging habit na nila.Sana magtuluy-tuloy na,” pahayag ni Ramos.

Kapwa naman galing sa kabiguan sa nakaraan nilang laban, parehas na magsisiksp na makabawi ang Elasto Painters na nabigo sa unang laro nito noong Sabado sa Iloilo kontra TNT Katropa,104-110 at ang Hotshots noong Linggo sa kamay ng Phoenix, 82-95 sa pagtatapat nila ngayong gabi.

-Marivic Awitan