BRUSSELS (AFP) – Sa paglakas ng mga pagdududa kaugnay sa malawak na “Belt and Road” trade infrastructure project ng China, maglulunsad ang European Union ng alternatibong plano para sa Asia na ayon dito ay hindi ilulubog ang mga bansa sa utang na hindi nila kayang bayaran.

Inaasahang lalagdaan ng mga bansang kasapi ng EU ang bagong “Asia connectivity strategy” -- na naglalayong pabutihin ang transport, digital at energy links habang isinusulong ang environmental at labour standards – kasabay ng malaking summit ng European at Asian leaders sa susunod na buwan.

Iginiit ng Belgium na ang scheme ay hindi pantapat sa iba pang player, ngunit ilulunsad ito sa panahong kumukupas na ang kinang ng “new Silk Road” initiative ng China, na nangangarap na itatayo ang railways, roads at ports sa buong mundo gamit ang bilyun-bilyong dolyar sa Chinese loans.

Sinabi ni Federica Mogherini, ang EU diplomatic chief, na nakikipag-usap na sila sa ilang bansa sa Asia na “interested in looking at the European way”.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'