MULING dadayo ang matibay na si dating Philippine Boxing Federation super flyweight champion Jason Canoy upang kumasa kay dating WBC bantamweight champion Luis Nery para sa bakanteng WBC Silver bantamweight title sa Oktubre 6 sa Gasmart Stadium sa Tijuana, Mexico.

Huling lumaban si Canoy noong Pabrero 8, 2018 nang matalo sa manipis na 12-round unanimous decision kay Japanese Hiroaki Teshigawara sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan para sa bakanteng WBO Asia Pacific bantamweight title.

Nabigo si Nery na maipagtanggol ang kanyang WBC bantamweight title nang mag-overweight kahit nanalo via 2nd round TKO sa dating kampeong si Shinsuke Yamanaka noong nakaraang Marso 1 sa Kokukigan, Tokyo, Japan.

Bago ito, pinalasap ni Nery ng unang pagkatalo si Yamanaka via 4th round TKO upang maging WBC bantamweight champion ngunit sinuspinde siya ng samahan sa paggamit ng performance enhancing drugs.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

May rekord si Nery na perpektong 26 panalo, 20 sa pamamagitan ng knockouts samantalang may kartada si Canoy na 27-8-2 na may 19 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña