Sinertipikahan ni Pangulong Duterte bilang “urgent” ang panukalang batas na magbabawal sa end-of-contract (endo), o pagpapatupad ng labor-only contracting sa mga kumpanya sa bansa.

Sa liham ng Pangulo kay Senate President Tito Sotto, na may petsang Setyembre 21, sinabi niyang kailangan ang “immediate enactment” sa Senate Bill Number 1826, o ang “An Act Strengthening Workers Right To Security of Tenure”.

Ang pagpapatibay sa nasabing panukala, ayon kay Duterte, ay titiyak sa “workers’ security of tenure by prohibiting the prevalent practice of contractualization and labor-only contracting which continue to immerse our workers in a quagmire of poverty and underemployment.”

Nakatakdang aprubahan ang nasabing panukala sa ikalawang pagbasa nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Enero ngayong taon nang ipinasa ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang bersiyon nito ng anti-contractualization bill.

Ikinatuwa naman ng iba’t ibang grupo ng manggagawa ang ginawa ng Pangulo.

Naniniwala si Atty. Sonny Matula, chairperson ng Nagkaisa! Labor Coalition, na tuluyan nang matutuldukan ang contractualization sa bansa.

“After more than two years, the Duterte administration has finally made a big step towards the fulfillment of a campaign promise,” sabi ni Matula, pangulo rin ng Federation of Free Workers (FFW).

Pinuri rin ng Associated Labor Unions- Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang ginawa ng pamahalaan na gawing prioridad ang batas kontra endo.

-Beth Camia at Leslie Ann G. Aquino