NANGAKO ang mga kabataang lider at mga tagapagsulong ng kapayapaan na magtataguyod ng kultura ng kapayapaan sa buong rehiyon ng Bangsamaro, sa “MasterPEACE: Bangsamoro Youth Model Parliament” kamakailan.

“We want to contribute (to) the Bangsamoro once it is established so that the legislators can see that the youth have a place in all this,” sabi ng 22-anyos na si Bryan Gonzales, miyembro ng National Society of Parliamentarians (NPS).

Kasama ni Gonzales ang 80 kabataang lider ng Bangsamoro sa panunumpa ng kanilang pangako para sa peace-building efforts.

Bahagi ng summit ang simulation program, kung saan umakto ang mga kalahok bilang mga district representative, party representative, at sectoral representative.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Tinalakay ng kabataan ng Bangsamoro ang mga kritikal na isyu sa pagsusulong ng kapayapaan habang bumubuo at naghahain ng kani-kanilang panukalang-batas sa isang komite at plenary session.

“‘Yung setup ng Bangsamoro Parliament is hard to facilitate because it is very different from Congress,” pahayag ni Gonzales. “At least dito nakikita namin kung ano ‘yung mga pagkukulang, mga procedural issues na pwede ma-resolve, and mag-introduce ng reforms.”

Isa sa mga mungkahing nabuo sa plenary session ang “integration of conflict transformation and peace-building awareness through peace education in the Bangsamoro”.

Ang mungkahing panukalang-batas ay ipapasa sa Regional Legislative Assembly sa pamamagitan ni Assemblywoman Irene P. Tillah.

Sa kanyang talumpati, hinikayat ni Youth Peace Ambassador Farrah Ghodsinia ang kanyang kapwa kabataang lider na maging aktibo sa pagsusulong ng kapayapaan sa kani-kanilang rehiyon.

“They have to hear our voice and we have to make our voice known because this future community that we have, this future region, it is we who are going to live in it. That is why we need to be active in achieving what we want to see,” aniya.

Ang “MasterPEACE: Bangsamoro Youth Model Parliament” ay ikatlong installment ng MasterPEACE series kaugnay ng pagdiriwang ng National Peace Consciousness Month tuwing Setyembre.

Pinangangasiwaan ito ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, co-organized ng Democratic Leadership and Active Civil Society Empowerment (DELACSE) Bangsamoro, isang European Union-funded project na ipinatutupad ng Konrad-Adenauer-Stiftung Philippines, at ng Institute for Autonomy and Governance.

PNA