SERYOSO si Mikee Quintos na tapusin ang studies niya kaya isinasabay niya ang pag-aaral sa pag-a-artista. Iyon kasi ang promise niya sa parents niya nang magpaalam siyang gusto niyang pasukin ang showbiz. Pinayagan siya ng parents niya, basta hindi mapababayaan ang studies at magtatapos siya ng college.

Mikee copy

“Top priority ko po ang pagtatapos ng college,” sabi ni Mikee sa set ng primetime drama series niyang Onanay. “Fourth year na po kasi ako sa BS Architecture sa University of Santo Tomas, kaya hindi na rin magtatagal makaka-graduate na ako.

“Thankful po ako sa production namin dahil pinapayagan nila akong isingit ang schoolwork ko kapag hindi nagti-take sa eksena. Hindi ko nararamdaman ang hirap dahil gusto ko ang ginagawa ko.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Paano kung masyadong ma-drama ang eksena, hindi ba siya nahihirapang mag-concentrate?

“Hindi naman po. Ang laki po nang naitutulong sa akin ng mga kasama ko sa ‘Onanay’. Mga mahuhusay pong actress sina Ms. Nora Aunor, Ms. Cherie Gil, even po ang nanay ko sa story, si Jo Berry, na nagbibigay sa akin ng pointers sa mga dapat kong gawin sa eksena.”

Dati ay ayaw sa kanya ng Nanay Onay niya dahil mas gusto nito si Natalie (Kate Valdez), ito ang dahilan nang lagi niyang pag-iyak, pero mahal na mahal pa rin niya ang ina.

“Ngayon po, mapapanood na ninyo na mabait na po si Nanay Onay sa akin, pero may twist pa rin ang story at iyon po ang magandang abangan. Salamat po sa lahat ng mga sumusubaybay sa amin gabi-gabi, (pati) doon sa ang tawag na sa akin kapag nakikita ako sa labas ay ‘Maila’ (na) character ko sa ‘Onanay’.

Ang Onanay ay napapanood pagkatapos ng Victor Magtanggol sa GMA 7.

-NORA V. CALDERON