Dismayado na naman ang mga motorista sa bagong taas-presyo na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Shell, ngayong Martes.

Sa pahayag ng Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Martes ay magtataas ito ng 40 sentimos sa gasolina, 20 sentimos sa diesel, at 15 senntimos sa kerosene.

Hindi naman nagpahuli ang Seaoil at PTT Philippines at agad nagpatupad ng kaparehong dagdag-presyo sa petrolyo.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kahalintulad na oil price hike, na bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Setyembre 18 nang nagdagdag ang oil companies ng 50 sentimos sa gasolina, 20 sentimos sa kerosene, at 15 sentimos diesel.

-BELLA GAMOTEA