IPINAGDIRIWANG ngayong Setyembre ang 21st year ng Dr. Love radio show ng DZMM, hosted by Bro. Jun Banaag.

Br. Jun copy

Ang orihinal concept ng show ay counseling o bigyan ng lunas ang iba’t ibang uri ng problema ng tagapakinig.

Nagkaroon ng mga pagbabago sa paglipas ng taon at nahaluan na ito ng showbiz. Actually, kung si Dulce ang guest ni Bro. Jun ay nagta-transform ang show sa isang mini concert. Gusto ni Bro. Jun na maging very light ang Friday nights, by setting aside callers na humihingi ng payo.

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!

Isa rin sa inaabangan ay ang prayer kay Santo Padre Pio, ang patron ng may mga karamdaman. Marami ang nagpapatunay na ang pananalangin kay Padre Pio ay lubhang mabisa.

Mayroon ding ongoing project ang radio show, ang Christmas carol competition, na kahit sinong choir ay puwedeng sumali. Kahit mga bata ay puwede. Pero dahil maliit lang ang booth ay limitado ang members to eight to twelve only. Puwedeng English or in Filipino ang awiting Pamasko na kakantahin.

Every now and then ay may medical mission din na isinasagawa ang DZMM para sa mahihirap na hindi kayang magpagamot.

Pasasalamat ang gustong ipahatid ng Dr. Love sa lahat ng walang sawang sumusuporta sa show, at hindi alintana ang magpuyat.

Happy 21st anniversary, Bro. Jun!

-Remy Umerez