PATULOY ang paghahanda ni five-division world titlist Nonito Donaire Jr. sa pagbabalik sa bantamweight division laban kay super champion ng WBA na si Ryan Burnett ng Great Britain sa SSE Hydro sa Glasgow, Scotland sa Nobyembre 3.

Kasama niyang nagsasanay si WBO No. 1, WBC No.1 at IBF No. 7 featherweight Mark Magsayo na nakatakda namang lumaban sa United States sa Oktubre laban sa hindi pa kilalang world rated boxer.

Sinasanay s i Donaire ng Amerikanong si Brandon Woods kasama ni Magsayo na posibleng maging mandatory contender ni WBO featherweight champion Oscar Valdez ng Mexico at WBC 126 pounds tilist Gary Russel Jr.

P a r a s a 35-anyos n a s i Donaire, kaya niyang magbalik sa bantamweight division para hamunin ang 26-anyos na si Burnett na may perpketong kartada na 19 panalo, 9 sa pamamagitan ng knockouts.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang sagupaan nina Donaire at Burnett ay bahagi ng World Boxing Super Series at ang magwawagi sa kanila ay haharap sa sagupaan sa Oktubre 13 nina WBO champion Zolani Tete ng South Africa at Russian No. 10 contender Mikhail Aloyan sa Expo Center sa Yekaterinburg, Russia.

Huling lumaban si Donaire bilang featherweight sa Belfast kung saan tinalo siya sa puntos ni Briton Carl Frampton para sa interim WBO featherweight title noong Abril 21.

Huling lumaban b i l a n g bantamweight boxer si Donaire noong 2011 sa San Antonio, Texas kung saan naidepensa niya ang WBC at WBO titles kay dating WBO super flyweight champion Omar Andres Narvaez ng Argentina.

May rekord si Donaire na 38 panalo, 5 talo na may 24 pagwawagi sa knockouts at ang karanasan ang puhunan niya para magwagi sa karibal.

-Gilbert Espeña