NAGKAMPEON si Davao City bet International Master (IM) Oliver Dimakiling sa katatapos na 2018 Iligan Diyandi Festival Open Chess Tournament nitong Linggo sa Kai-Lai Garden, Pala-o, Iligan Cit.

Nakalikom si Dimakiling ng 8.5 puntos sa nine-round Swiss system format para tanghaling kampeon at makopo ang top prize P25,000 at tropeo sa two-day event (Sabado at Linggo) sa torneong ito na inorganisa ni Mr. Gregorio “Greg” Villaflores ng Metro Iligan Chess Club na pinangasiwaan naman nina NA Mark John Gastar at CNA Ruben Cabading ng Chess Arbiter Union of the Philippines at sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines.

Nasa solong ika-2 puwesto si Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio, kasunod si Fide Master (FM) David Elorta.

Lumagay naman sina Allan Cantonjos, Perkins Bayron at Mardonio Fuentes sa ika-7 hanggang ika-9 na puwesto na may 6.5 puntos.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nasikwat naman ni Atty. Cliburn Anthony A. Orbe ang Top Iligan award. Nagwagi rin ng Top Iligan award ay sina Fide Master (FM) Victor Bruce Lluch at Carlito Daclan na nakalikom ng tig anim na puntos gaya ni Atty. Orbe.