Naaresto ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) ang isang barangay secretary sa Pasig City, na itinuturing na high value target (HVT), sa operasyon ng pulisya sa kanyang bahay sa lungsod, nitong Sabado ng gabi.

Batay sa ulat ng EPD, na pinamumunuan ni Chief Supt. Bernabe Balba, nabatid na dakong 8:00 ng gabi nang maaresto ng kanyang mga tauhan si Nilo Alvarez, nasa hustong gulang, secretary ng Barangay Kalawaan, Pasig, sa kanyang bahay sa Sampaguita Street.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte para sa illegal possession of firearms, sinalakay at hinalughog ng mga pulis ang bahay ni Alvarez.

Kaagad namang dinakip ang suspek nang masamsam umano ng mga awtoridad sa kanyang bahay ang transparent plastic tube na may lamang tatlong medium-sized plastic heat-sealed sachet ng shabu, na may timbang na 13 gramo, at nagkakahalaga ng P40,000.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sa imbestigasyon, natukoy ng EPD na si Alvarez ay dating kagawad sa lugar ngunit nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga sa surprise random drug test ng pamahalaang lungsod, kaya nasuspinde sa serbisyo.

-Mary Ann Santiago