Binigyan ng Ilongga fashion designer na si Audrey Rose Dusaran-Albason ng tamang pagkilala ang mga tela mula sa Isla ng Panay sa 2018 London Fashion Week na ginanap kamakailan.

Tinawag na “Pagla-um” (pag-asa sa wikang Hiligaynon), pinagsama-sama ng koleksiyon na ipinamalas sa London, England ang mga tela tulad ng hablon (gawa hand-woven cotton) ng bayan ng Miag-ao sa probinsiya ng Iloilo, at piña (hand-woven fiber mula sa dahon ng pinya) ng lalawigan ng Aklan.

“Pagla-um is a collection aptly named with the hope of bringing the local century-old weaving traditions to global consciousness,” ani Dusaran-Albason sa Manila Bulletin.

Inirampa rin ng mga modelo ang mga bag na gawa sa rattan, na ginawa local artisans.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ipinakilala ng Oxford Fashion Studio (OFS), ang mga disenyo sa koleksiyon ay humugot ng inspirasyon sa corals at sea creatures ng Panay marine life. Bukod sa pagsusulong na muling buhayin ang tradisyon ng paghahabi, tinalakay ng mga disenyo ang mga isyu sa climate change na nakaapekto sa natural habitat.

“I want these to find relevance in the present times and that there is hope,” aniya.

Nagtapos si Dusaran-Albason sa Central Philippine University (CPU) sa Iloilo City, at unang nagtrabaho bilang nurse. Noong 2014 pinasinayaan niya ang kanyang mga obra matapos mag-aral sa Fashion Institute of the Philippines, sa Metro Manila.

-Tara Yap