Magpapatupad na naman ng oil price hike sa bansa ngayong linggo—ang ikaapat na sunod na linggo ngayong buwan.
Sa taya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng 10-20 sentimos ang kada litro ng gasolina at diesel.
Ang nagbabadyang dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Ito na ang ikaapat na sunod na nagtaas ng presyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong Setyembre.
Setyembre 18 nang nagdagdag ng 50 sentimos sa kada litro ng gasolina, 20 sentimos sa kerosene, at 15 sentimos naman sa diesel.
Sa tatlong linggong oil price hike ngayong buwan, nasa kabuuang P2.10 na ang itinaas sa kada litro ng gasolina, P2 sa diesel, at P1.80 sa kerosene.
-BELLA GAMOTEA