PUNTIRYA ng National University ang ikalimang sunod na kampeonato sa men’s division, habang asam ng De La Salle ang back-to-back title sa women’s class sa pagpalo ng UAAP Season 81 badminton tournament ngayon sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Kapwa nakakuha ng bye ang Bulldogs at Lady Shuttlers at sisimulan nila ang kampanya sa Huwebes.

Haharapin ng NU ang Ateneo ganap na 8 ng umaga. Sa women’s session ganap na 1 ng hapon, magtutuos ang De La Salle at Ateneo.

Ipaparada ng Bulldogs, sa pangunguna ni ast season’s MVP Alvin Morada, ang beteranong line up na kinabibilangan din ni dating MVP Leeward Pedrosa.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Pangungunahan naman ni reigning MVP Nicole Albo ang Lady Shuttlers’.