Sa kulungan bumagsak ang dalawang tao na isinumbong ng mga concerned citizens makaraang mag-eskandalo sa pagtatalo umano dahil sa marijuana habang nasa gitna ng kalsada sa Caloocan City, nitong Sabado ng gabi.

Kasong alarm and scandal at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165) ang kinakaharap nina Marvin Sunga, 19; at Maryjune Bernaldez, 57, kapwa ng Barangay 146, Bagong Barrio, Caloocan.

Ayon sa report, bandang 8:30 ng gabi nang mag-away at magsigawan umano ang mga suspek sa Masikip Street sa Bagong Barrio, at naulinihan ng mga residente ang pagtatalo ng dalawa dahil umano sa tsongki.

N a a b u t a n p a n g mga rumespondeng pulis ang dalawang suspek habang nagsasagutan sa kalsada, at nang kapkapan ay nakumpiska umano kay Bernaldez ang pinatuyong dahon ng marijuana.

National

Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Batanes

-Orly L. Barcala