Ligtas at nasa kanilang mga tirahan ang mga Pilipino sa Iran nang maganap ang pamamaril sa isang military parade sa timog kanluran ng bansa, na ikinamatay ng 29 na katao nitong Sabado.

Kinumpirma ni Philippine Ambassador to the Islamic Republic of Iran Wilfredo C. Santos na walang Pilipino na kabilang sa mga namatay o nasugatan nang paulanan ng bala ng mga armadong lalaki ang parada ng militar sa Ahvaz City, may 820 kilometro ang layo sa timog-kanlurang ng Tehran, malapit sa hangganan sa Iraq.

Sinabi ni Santos na nakausap ng Embahada ang walong miyembro ng dalawang pamilyang Filipino-Iranian sa Ahvaz City.

Patuloy na sinusubaybayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon sa Iran para matiyak ang kaligtasan ng mga Pinoy doon.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

-BELLA GAMOTEA