COLOMBO (AFP) – Wagi ang Maldives opposition legislator na si Ibrahim Mohamed Solih sa presidential election ng bansa sa nakuhang 58.3 porsiyento ng popular vote, ipinakita ng official results kahapon.

Sa mga resulta na inilabas ng Elections Commission, nakuha ni Solih ang 133,808 boto kumpara sa 95,526 para sa incumbent na si Abdulla Yameen. Ang voter turnout ay mahigit 88 porsiyento ng 262,000-strong electorate.

Wala nang iba pang kandidato sa eleksiyon nitong Linggo na ginanap habang nasa kulungan o naka-exile ang lahat ng pangunahing dissidents. Ang kampanya ay nabahiran din ng matitinding pagbabawal sa oposisyon at independent media.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture