MAINTRIGANG tanong ang agad na sumalubong kay Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla sa unang guesting niya kay Kuya Boy Abunda sa programang Tonight With Boy Abunda.

Luigi, Jolo, Lani, at Bryan

Hindi naman umiwas sa mga tanong ang aktres-pulitiko at diretsahan niyang sinagot ang lahat ng ibinato sa kanya.

Una, sinagot niya kung paano niya tinanggap si Luigi Revilla, ang anak ng asawa niyang si ex-Senator Bong Revilla sa ibang babae.

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

“At first, tsismis lang, naririnig-rinig lang. I spoke to the mother (of Luigi) once during a telephone conversation, tapos namatay ang mother-in-law ko 1998,” kuwento ni Lani.

“Luigi was brought to the house, he was around two years old. But Bong told me that he will be visiting my mother-in-law. So when he first came into the room, sa bahay namin, wala parang nag-melt na ‘yung heart ko, so I embraced the boy.”

Inamin ni Lani na nagalit siya. “Siyempre sa una, normal na magagalit ka. Kasi masakit ‘yun, eh. Pinagtaksilan ka at may bunga ‘yung pagtataksil na yun.”

Pero inisip na lang daw ni Lani na katulad ni Luigi ay galing din siya sa second family.

“I also came from a second family. I came from a second relationship of my Mom and in-accept ako ng mga kapatid ko.”

Ano naman ang sinabi ni Lani sa ina ni Luigi?“(I told her) Ako nandito na ako sa marriage na ‘to. I have been here for many years, ikaw pumapasok ka. You still have a way out kasi you’re not married. I am here for life and I am here to stay. So whatever you have with my husband, sana ma-realize mo na hindi ito maganda.”

Taas noo ding inamin ni Lani na martir siya.

“Kung ang ipinaglalaban mo ay kung anong para sa’yo… Because you have other people to take care of. Not just yourself. It’s your children, it’s your family. And it is your right to take care of it no matter what, martir ako. Guilty ako dun.”

Inisip niya ba kahit minsan na iwan ang marriage niya?

“Ay, maraming beses. I am here siyempre I love my children, I love my family, I love Bong and that’s the reason I am here for them.”

Para sa kaalaman ng lahat, isa si Luigi sa tatlong anak ni ex-Senator Bong na bida sa trilogy movie na Tres, ng Imus Productions, na mapapanood na sa Oktubre 3.

-Ador V. Saluta