“I’m a Christian but I’m not a Catholic anymore.”

Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa naging pagbisita niya kamakailan sa Cebu.

Sa gitna ng kanyang mga pahayag tungkol sa Diyos, inamin ng Pangulo na wala siyang tiyak na relihiyon dahil na rin sa magkaibang pananampalataya ng kanyang mga magulang.

“And besides, I really did not have any clear religion because my mother is a Moro. She’s a half- Maranao. It’s my father who’s the Christian,” pahayag ni Duterte sa health forum sa Lapu-Lapu City, Cebu nitong Biyernes.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Naninindigan din ang Pangulo na naniniwala siya sa Diyos ngunit hindi sa “stupid” na Diyos ng mga kritiko niya sa Simbahan. Binanggit pa ng Pangulo ang napakamahal umanong bayad na hinihingi ng Simbahan para sa pagpapabinyag, kasal at libing.

“That’s the problem with—it’s all expense. If you marry, you pay. Burial, you pay. Baptism, you pay. S*******. And you tell me that your religion is good,” aniya, tinukoy ang ilang sakramento ng Simbahan.

“And that is why I said, your God is not my God. Your God is stupid. My God has a lot of common sense,” giit ni Duterte.

Nitong Hulyo, matatandaang inamin ng Pangulo na nahinto siya sa pagiging Katoliko matapos makaranas ng pang-aabuso sa isang pari.

-Genalyn D. Kabiling