Sinabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na naghihintay lamang siya ng tamang pagkakataon bago niya ilalabas sa publiko ang impormasyon na nag-uugnay kay Senador Antonio Trillanes IV, sa Liberal Party, at Communist Party of the Philippines (CPP) sa pamumuno ni Jose Maria “Joma” Sison, at kanilang plano na pabagsakin ang gobyerno.
Sa kanyang talumpati sa Cebu, binalaan ni Duterte ang mga tao na huwag maniwala sa mga maling tao, o sa mga nagnanais na guluhin ang gobyerno.
Ibinunyag ng Pangulo na ipinakikita ng impormasyon mula sa intelligence community na mga parehong tao pa rin ang nagtatangkang sirain ang mga pagsisikap ng administrasyon na umunlad ang bansa.
“Sa gawas sa Intelligence, sila gyapon. Communist Party of the Philippines, Trillanes, dilaw. (Sa inilabas na Intelligence ipinakikita na sila pa rin. Ang Communist Party of the Philippines, si Trillanes, at ang mga dilawan),” aniya.
“Ipagawas ko na. I-timing lang nako. Naabot na sa amo. Gi-drawing na na daan (Ilalabas ko. Naghihintay lang ako ng tamang oras. Ngunit nakarating na sa akin. Naplano na nila),” dugtong niya.
-Argyll Cyrus B. Geducos