MULA sa sopresang kabiguan, gising na gising ang diskarte ng Ateneo para maigupo ang National University, 72-46, nitong Sabado para sa ikalawang sunod na panalo sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

PINANGUNAHAN ni Thirdy Ravena ang ratsada ng Ateneo Blue Eagles laban sa matikas na NU Bulldogs sa UAAP Season 81 men’s basketball elimination. (RIO DELUVIO)

PINANGUNAHAN ni Thirdy Ravena ang ratsada ng Ateneo Blue Eagles laban sa matikas na NU Bulldogs sa UAAP Season 81 men’s basketball elimination. (RIO DELUVIO)

Dominado ng defending champion ang tempo ng laro kung saan naitala ang pinakamalaking bentahe sa 18 puntos sa first half.

“I thought our defense was the way we wanted to be played. There’s no excuse to not play that way after this. It’s nice that we’re able to set standards for ourselves,” pahayag ni Ateneo head coach Tab Baldwin.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“It’s not that they are easy to beat, they battle hard and made adjustments,” aniya.

Tanging so Thirdy Ravena ang umiskor ng double-digit sa Blue Eagles sa naiskor na 13 puntos para sa 2-1 marka. Sa opening day, nasilat ang Blue Eagles ng Adamson Falcons, 72-70.

Nanguna sa NU si Enzo Joson na may 11 puntos.

Iskor:

ATENEO (72) – Ravena 13, Asistio 9, Wong 7, Nieto Mi 7, Go 6, Verano 6, Black 6, Kouame 5, Belangel 5, Andrade 3, Nieto Ma. 2, Mamuyac 1, Navarro 0, Tio 0

NU (46) – Joson 11, Tibayan 8, Clemente 7, Gallego 6, S. Ildefonso 4, D. Ildefonso 4, Rike 2, Galinato 2, Malonzo 2, Gaye 0, Diputado 0, Sinclair 0, Aquino 0, yu 0, Morido 0, Salim 0

Quarters: 11-9, 33-18, 49-30, 72-46