BALIK sa pag-arte ang panganay ni dating senador Bong Revilla na si Bryan Revilla. Isa si Bryan sa mga bida sa trilogy movie na Tres para sa episode na “Virgo”.
Kasama ni Bryan ang dalawa pa niyang kapatid sa Tres, na produced ng Imus Productions at ire-release ng Star Cinema on October 3. Si Jolo Revilla ang bida sa “72 Hours”, habang si Luigi Revilla naman sa “Amats”.
Aminado si Bryan na urong-sulong siya bilang aktor kumpara kay Jolo na mas active sa showbiz.
“Mahiyain ako, that’s why. Very shy. But then again, acting has a special place in my heart and I haven’t done it in 10 years but now I have the chance actually to do it. And now, parang I’m missing out on something that I really love to do,” ani Bryan.
Tumigil sa showbiz si Bryan dahil gusto niyang tapusin ang pag-aaral. Kumuha siya ng kursong Consular Diplomatic Affair sa College of St. Benilde.
“Prinioritize ko muna ‘yung studies ko. Tapos eventually, imbes na makabalik ako sa showbiz nagtrabaho na lang ako,” kuwento pa niya.
Kahit “reluctant actor” ang tingin ng marami sa kanya, marami ang nakapansin sa husay ng pag-arte ni Bryan sa trailer ng Tres.
“That’s a very nice thing to hear. I hope na sana ano nga, na magaling nga ako,” sabi niya. “Ako, sa akin, pagdating sa trabaho especially with my craft, parang sometimes it’s just never enough. I still want na parang, I just wanna keep on making myself na, like kunyari, sayang hindi ko ito nagawa dati, sana if given the chance to do it I will make sure na ibibigay ko talaga yung best ko.”
Habang sinusyuting ang Tres ay nanghingi ba siya ng advice kay Jolo pagdating sa pag-arte?
“Yeah, we get tips from one another but iba-iba ‘yung mga proseso namin. For me, iba ‘yung process ko to get into character compared sa kanila.”
Inamin din ni Bryan na close sila ng kanyang half-brother na si Luigi?
“I’m pretty much close to all of my siblings. My relationships from each of my siblings are very different. Like ‘yung kay Luigi, naging close sa amin si Luigi 10 years ago. I love my brothers, I love Luigi, I love Jolo. Kahit me and Luigi have different moms. I treat him as how I treat my other siblings,” sabi ni Bryan.
Paano ba siya nag-prepare sa pelikula nilang magkakapatid?
“Well, 10 years without any exposure, medyo rusty talaga. Suwerte na rin lang ako na I get to work with Direk Richard (Somes), inalagaan po talaga ako.
“We had workshops, pero ‘yung pinaka-tasking na trabaho na ginawa ko is to watch lots of movies. I had to watch countless films. So, mostly ‘yung internalization yung medyo,” pabitin pang kuwento niya.
“I had to cut weight, that’s another. For the longest time since 2007, after nung showbiz naging pakawala din ako, eh. Pinabayaan ko ang sarili ko. So I had to get back into how I look like before,” pagtatapos pa ni Bryan.3
-Ador V. Saluta