ATLANTA (AP) — Nagbalik na ang alamat.

WOODS! Inaasahang papasok sa top 10 sa world ranking sa susunod na season. (AP)

WOODS! Inaasahang papasok sa top 10 sa world ranking sa susunod na season. (AP)

Sa harap nang nagbubunying crowd, nakumpleto ni Tiger Woods ang matikas na kampanya sa final round 1-over 71 para sa dalawang shot na bentahe kay Billy Horschel at tanghaling kampeon – sa isa pang pagkakataon – sa Tour Championship nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Dumagundong ang hiyawan ng crowd – pinakamalaki sa isang torneo sa PGA Tour ngayong season – nang maisalpak ni Woods ang par para sa kauna-unahang titulo sa nakalipas na limang taon at ika-80 career win.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“It was a grind out there,” pahayag ni Woods. “I loved every bit of it.”

Bawa t himayma y ng kasaysayan ay nagbalik sa pangingibabaw ni Woods. Hitik ang crowd na sumubaybay sa bawat kilos niya at naguunahan para makakuha ng magandang puwesto at saksihan ang muling arangkada ng 42-anyos na golf supertar.

“I didn’t want to get run over,” pahayag ni Woods, patungkol sa malaking crowd na sumasabay sa kanya mula sa No.1 tee.

“All of a sudden it hit me that I was going to win the tournament. I started tearing up a little bit. I can’t believe I pulled this off,” sambit ni Woods.

Garalgal ang pangungusap ni Woods sa pagtatangkang pigilan ang emosyon at pagpatak ng luha na nagsisimula nang mangilid sa kanyang mga mata.

Sinalubong siya at binati ng mga kapawa players kabilang sina Zach Johnson, Rickie Fowler at Horschel. Si Johnson ang naglabas ng pulang T-shit, simbolo ng pamamayagpag ni Woods – para sa Ryder Cup may dalawang taon na ang nakalilipas at nagbigay ng kataga na “Make Tiger Great Again.”

“They knew what I was struggling with,” sambit ni Woods.”It was special to see. Mismong si Woods at hindi makapaniwala na makababalik siya sa aksiyon, higit ang manalo sa Tour matapos ang ilang operasyon sa likod gayundin ang pagkakasangkot sa iba’t ibang kontrobersya.

Huling nakatikim ng panalo si Bridgestone Invitational at Firestone noong August 2013 — may 1,876 araw ang lumipas bago makababa sa world ranking ula sa No.1,199 nitong Disyembre.