HANDA na si IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas sa ikaanim na depensa ng kanyang titulo laban kay Mexican slugger Alejandro Santiago Barrios sa Setyembre 29 sa Oracle Arena sa Oakland, United States.

Kung magtatagumpay sa kanyang depensa, gustong hamunin ni Ancajas si WBC super flyweight champion Wisaksil Wangek ng Thailand sa unification bout sa Disyembre.

Mula nang makuha ang IBF title kay Puerto Rican McJoe Arroyo noong 2016, naidepensa ni Ancajas ang kanyang korona kina Jose Alfredo Rodriguez ng Mexico (TKO 7), Teiru Kinoshita ng Japan (TKO 7), Jamie Conlan ng United Kingdom (TKO 6), Israel Gonzalez ng Mexico (TKO 10) at Jonas Sultan ng Pilipinas kaya masasabing siya ang pinakaaktibong super flyweight champion sa buong mundo.

Mabigat kalaban si Barrios na kontrobersiyal na tumabla sa kanyang huling laban kay Puerto Rican Jose Martinez para sa WBO NABO super flyweight crown na ginanap sa Ponce, Puerto Rico.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

May kartada si Barrios na 16-2-4 na may 7 panalo sa knockouts kumpara kay Ancajas na may kartadang 30-1-1 na may 20 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña