Walo sa 10 Pilipino ang kuntento sa kampanya kontra ilegal na droga ng gobyerno, batay sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa resulta ng second quarter survey, lumabas na 78 porsiyento ng mga Pilipino ay “satisfied” sa kampanya kontra droga ng pamahalaan, 13% ang “dissatisfied”, at 9% naman ang “undecided”.

Ang net satisfaction sa Mindanao ang naitalang pinakamataas na may +84 rating.

Samantala, bumaba naman ng 12 points ang net satisfaction sa Visayas, na may +57 rating.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Sa Metro Manila, nananatiling “very good” ang net satisfaction sa drug war sa may +67 rating. Mas mataas ito ng dalawang puntos mula sa nakaraang period.

kumpara sa huling survey nito, tumaas ito ng 1% mula sa +77 percent noong Disyembre 2017.

Isinagawa ang survey sa 1,200 respondents sa pamamagitan ng face-to-face interviews noong Hunyo 23-27, 2018.

Naging kontrobersiyal ang war on drugs ni Pangulong Duterte dahil sa dami ng mga nasasawing drug suspect.

-Beth Camia