Binalaan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipinong nais magtrabaho sa ibang bansa na mag-ingat sa mga sex trafficking syndicate na gumagamit ng social media para mag-alok ng magandang trabaho, partikular sa Malaysia at Singapore.
Ang panawagan ng DFA ay kasunod ng pagkakaligtas ng Embahada ng Pilipinas at Malaysian authorities sa 27 Pinay, na nabiktima ng sex traffickers na nag-o-operate sa Johor Bahru, Malaysia, nitong Agosto 15 at iniulat na nakauwi na sa Pilipinas.
Nabatid na isang oras lang ang biyahe mula sa nasabing lugar patungo naman sa Singapore.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano ang mga Pinoy na pag-isipang mabuti bago mag-apply sa mga trabaho sa ibang bansa na iniaalok online, at kalaunan ay nabibiktima lang ng mga sindikato.
Ay on k a y Phi l ippi n e Ambassador to Malaysia Charles Jose, sa gitna ng police operation ay inaresto rin ng mga awtoridad ang caretaker na Pilipino, na kalaunan ay pinalaya rin.
Sa panayam ng embahada at ng Philippine National Police- Women and Children Protection Desk (PNP-WCPD) sa 27 Pinay, sinabi ng mga ito na ibinebenta sila sa Malaysia at Singapore sa apat na batch simula nitong Hunyo at Hulyo matapos silang ma-recruit bilang promodizers ng alak sa apat na establisimiyento sa Singapore, at may kasamang komisyon. subalit nasadlak sila sa prostitusyon.
-Bella Gamotea