May kabuuang 150 residente ng Barangay Poblacion sa Muntinlupa City ang naospital nitong Sabado dahil sa food poisoning.

Kumain ang mga biktima ng giniling na may nilagang itlog sa feeding program ng mga estudyante ng De La Salle Santiago Zobel School (DLZS) sa Ayala Alabang, nitong Sabado ng umaga, sa Southville 3 Housing Project, sa may New Bilibid Prison Reservation.

Sa pahayag sa Balita ni Erwin Alfonso, hepe ng Muntinlupa City Disaster Risk Reduction and Manageme n t O f f i ce (MCDRRMO), bandang 2:30 ng hapon nang makaramdam ang mga biktima ng mga sintomas ng food poisoning, gaya ng pagdudumi, pagsusuka, p a n a n a k i t n g t i y a n , a t pagkahilo.

Kaagad na isinugod ng mga tauhan ng MCDRRMO, Bgy. Poblacion, at Muntinlupa City Police ang mga biktima sa Ospital ng Muntinlupa (OsMun).

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinagot ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ang gamutan sa mga biktima. Sa kabuuan, 149 sa mga biktima ang nakalabas na sa ospital habang isinusulat ang balitang ito, at isa na lang ang nananatili sa ospital.

S i n a b i n i Alfonso na isinagawa na ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagsusuri sa food samples mula sa feeding program, habang nag-inspeksiyon na sa lugar ang mga tauhan ng Sanitation Division ng siyudad para imbestigahan ang ginawang paghahanda sa nasabing pagkain.

Iniulat naman ng Southern Police District (SPD) na isusumite ang food at vomit sample specimen sa SPD Crime labortarory para sa toxicology examination.

Sa isang pahayag, humingin na ng paumanhin ang DLZS “for the unfortunate incident that may have resulted from the September 22, 2018 feeding program called Goodbye Gutom that the school has been conducting for the past four years.”

“Although the alleged food poisoning and the cause for it has yet to be ascertained, DLZS is exhausting all efforts to assist the affected families in coordination” kay Mayor Jaime Fresnedi at sa iba pang lokal na opisyal.

Ayon sa paaralan, nasa 220-250 residente ang pinakain ng nasabing almusal, na may kasamang saging at bottled water, bandang 8:30 ng umaga.

Ang nasabing pagkain ay iniluto at inihanda ng mga estudyante ng DLZS, sa superbisyon ng mga guro, ayon kay Suzette Balgos, hepe ng DLSZ’s Advancement & Communications.

-JONATHAN M. HICAP at BELLA GAMOTEA