Ni MARIVIC AWITAN
Mga Laro sa Martes
(Filoil Flying V Centre, San Juan)
10:00 n.u. -- CSJL vs EAC (jrs)
12:00 n.t. -- UPHSD vs JRU (jrs)
2:00 n.h. -- CSJL vs EAC (srs)
4:00 n.h. -- UPHSD vs JRU (srs)
WALANG ‘sweep’ sa Lyceum of the Philippines ngayong season.
Tinuldukan ng Perpetual Help Altas, sa pangunguna ni Prince Eze, ang pamamayagpag ng Pirates sa gabuhok na 83-81 panalo nitong Biyernes sa 94th NCAA basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.
Naisalpak ni Eze ang opensa mula sa sablay na three-point shot ng kasanggang si Tonton Peralta bago ang buzzer para sa krusyal na bentahe tungo sa ikapitong panalo sa 12 laro at patatagin ang kampanya sa Final Four.
Natikman ng Pirates ang unang tikim sa kabiguan sa 13 laro ngayong season at nabigong maulit ang matikas na 18-game sweep sa elimination sa nakalipas na season.
Naulit ng 6-9 Nigerian ang kabayanihan na nagawa niya nitong Agosto 9 kontra San Sebastian, 78-76, sa first round sa Perpetual Help Gym sa Las Pinas.
Nanguna sa Altas si Edgar Charcos sa naiskor na 20 puntos, tampok ang apat na puntos sa krusyal na ratsada ng Altas para maitabla ang iskor sa 81-all.
Samantala, naitala ni Bong Quinto ang ikatlong triple-double performance ngayong season matapos pagbidahan ang Letran kontra Mapua, 84-69.
Kumubra ang 23-anyos na si Quinto ng 11 puntos, 14 rebounds at 11 assists para mapatatag ng Knights ang kapit sa ikatlong puwesto tangan ang 8-4 karta.
Bagsak ang Cardinals sa 4-9.
Giniba naman ng College of St. Benilde ang Arellano University, 89-73.
Iskor:
UPHSD (83) - Eze 25, Charcos 20, Coronel 11, Aurin 10, Jimenez 8, Peralta 7, Magalino 2, Cuevas 0, Pasia 0.
LPU (81) - Marcelino JC. 16, Nzeusseu 14, Ayaay 13, Perez 11, Pretta 9, Santos 6, Caduyac 5, Valdez 4, Marcelino JV. 3, Ibañez 0, Yong 0, Serrano 0, Tansingco 0.
Quarterscores: 19-20, 39-43, 60-68, 83-81
Letran 84 – Calvo 26, Quinto 11, Fajarito 10, Muyang 9, Ambohot 8, Celis 7, Yu 5, Taladua 4, Balagasay 2, Mandreza 2, Galvelo 0, Batiller 0, Agbong 0, Pambid 0, Banez 0
Mapua 69 – Gamboa 17, Lugo 13, Bunag 12, Pelayo 8, Jabel 7, Bonifacio 4, Aguirre 4, Nieles 2, Victoria 1, Salenga 1, Serrano 0, Biteng 0, Garcia 0
Quarterscores: 19-19, 45-28, 64-50, 84-69