HINDI na kailangang lumayo pa para sa mas malaking papel sa koponan si dating PBA star Ferdinand ‘Bong’ Ravena na itinalaga bilang bagong coach para makahanap nang tunay na talento.

Para sa TNT Katropa, hinog na head coach kapalit ni Nash Racela.

Wala pang pormal na pahayag ang TNT management hingil sa desisyon, ngunit ayon sa isang source, magsisimula sa kanyang bagong tungkulin ang dating deputy coach sa pakikipagtuos ng Katropa laban sa Rain or Shine Painters sa out-of-town game ng PBA Governors Cup Sabado ng gabi sa Iloilo City.

Ayon sa source, nagkaroon ng masinsinang pagpupulong ang coaching staff at management sa pangunguna ni TNT board member at PBA Chairman Ricky Vargas.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Mananatili naman assistant coach si Interim coach Eric Gonzales, nagmando sa Katropa sa laro laban sa Columbia Jeep nitong Miyerkules matapos mag-filed ng indefinite leave si Racela.

Nagkataon, sisimulan ni Ravena ang bagong career sa PBA sa harap nang kanyang mga kababayan sa Iloilo.

Kamakailan, kinuha ng TNT ang serbisyo ni New Zealander-Australian Mark Dickel bilang consultant upang palakasin ang programa ng koponan na naghahangad na makausad sa Finals sa season-ending conference. Hindi pa malinaw kung bahagi ang naging desisyon ng TNT sa pagkuha ng foreign coach sa dahilan nang panlalamig ni Racela sa management.

Tangan ng Katropa ang 1-4 karta.

Mistulang pamilya ng TNT si Ravena na naglaro sa prangkisa noong 2000 hanggang 2005 kung saan natikman ng koponan ang unang kampeonato sa 2013 Philippine Cup. Naging bahagi siya ng coaching staff noong 2008.

Samantala, naitala ng Blackwater ang matikas na panalo laban sa liyamado at crowd-favorite reigning champion Ginebra Kings, 124-118, sa overtime Biyernes ng gabi sa Smart-Araneta Coliseum.

Naisalpak ni Mike DiGregorio ang three-pointer may pitong segundo ang nalalabi sa regulation para maipuwersa ang overtime tungo sa panalo at dungisan ang dating malinas na 3-0 marka ng Kings.

Hataw sina Henry Walker, Mac Belo at Paul Zamar sa extra period. Kumubra si Walker ng 39 puntos, pitong rebounds at siyam na assists, habang kumana si Zamar ng 17 puntos.

Nanguna si import Justin Brownlee sa Ginebra sa naiskor na 41 puntos.

Iskor:

Blackwater 124 – Walker 39, Zamar 17, Pinto 15, Belo 14, Erram 13, DiGregorio 10, Maliksi 6, Jose 6, Sumang 4, Cortez 0, Al-Hussaini 0, Javier 0.

Ginebra 118 – Brownlee 41, Tenorio 17, Mariano 16, Chan 14, Thompson 9, Caperal 8, Devance 7, Ferrer 6, Caguioa 0.

Quarters: 26-30; 52-55; 79-78; 110-110; 124-118.