Bumagsak sa kamay ng Southern Police District nitong Huwebes ng gabi ang isang lalaki, na tinaguriang ikalimang most wanted (district level) at pangunahing suspek sa pagpatay sa isang Korean.

Kinilala ni SPD acting Director, Senior Supt. Eliseo Cruz ang naaresto na si Henry Patrimonio y Peralta, 44, binata, ng Barangay 10, Pasay City.

Sa ulat, nagsilbi ng alias warrant of arrest ang mga tauhan ng District Special Operating Unit (DSOU) at District Intelligence Unit (DIU) ng SPD laban sa suspek sa bahay nito sa Pasay City, dakong 9:30 ng gabi.

Inaresto si Patrimonio sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte sa mga kasong homicide at illegal possession of firearm.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sa gitna ng pag-aresto, nasamsam din umano sa suspek ang isang .38 caliber revolver na may tatlong bala.

Base sa record, si Patrimonio ang suspek sa pagpatay kay Joong Chul An, Korean, sa panulukan ng M. Adriatico at Remedios Streets sa Malate, Maynila noong Hunyo 24, 2013.

-Bella Gamotea