Binanatan ng Malacañang si Senador Risa Hontiveros sa pagtawag kay Pangulong Rodrigo Duterte na “destabilizer-in-chief,” sinabi na dapat isantabi ang alitan sa politika lalo na ngayon na maraming tao ang nangangailangan ng tulong matapos manalasa ang Bagyong ‘Ompong’.

‘MANINDIGAN PARA SA DEMOKRASYA’ Nagtatalumpati si Senador Risa Hontiveros sa paggunita ng mga aktibista sa ika-46 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, sa Plaza Miranda, Quiapo, Manila, kahapon.  (MANNY LLANES)

‘MANINDIGAN PARA SA DEMOKRASYA’ Nagtatalumpati si Senador Risa Hontiveros sa paggunita ng mga aktibista sa ika-46 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, sa Plaza Miranda, Quiapo, Manila, kahapon.
(MANNY LLANES)

Ito ang ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos batikusin ni Hontiveros si Duterte nang akusahan ng Pangulo ang oposisyon ng may planong patalsikin siya.

Sinabi ni Roque na kakatwa na ang ganitong pahayag ay magmumula sa isang tao na palaging sinisiraan ang mga pagsisikap ng Pangulo at ng kanyang administrasyon.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“It is ironic that Senator Risa Hontiveros, who spends so much of her time undermining the efforts of this administration, would refer to the President as ‘destabilizer-in-chief,’” ani Roque.

Ayon kay Roque, malaki ang inaasahan ng mga tao sa mga inihalal na lider lalo na pagkatapos ang mga trahedya at mga problemang kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan.

“During this challenging time when the nation must stand as one because of the tragedies that befell our farmers from Northern Luzon, the miners of Itogon, Benguet to the residents of Naga, Cebu, what our people expect is a moratorium from excessive politicking from our elected leaders,” aniya.

Sa kanyang pahayag, ikinumpara ni Hontiveros si Duterte sa diumano’y idolo nitong si Pangulong Ferdinand Marcos, na libu-libong tao ang namatay at dumanas ng pang-aabuso sa karapatang pantao sa ilalim ng kanyang pamamahala.

“The President is desperately linking the opposition to a so-called destabilization plot, not admitting that he is actually the country’s ‘destabilizer-in-chief,’” ani Hontiveros.

“Like his idol, the dictator Ferdinand Marcos, President Duterte has destabilized the country’s economy and the price of basic goods and commodities, he has destablized our democracy and institutions of governnance,” idinugtong niya.

-Argyll Cyrus B. Geducos