KUNG tutuusin – bilang coach ng pamosong La Salle sa premyadong collegiate league – katangap-tangap na magdiwang na may pagmamalaki si coach Louie Gonzales. Posible, higit at ito ang kanyang unang panalo bilang heach coach ng Archers.

Gonzales copy

Ngunit, mas minabuti ni Gonzales na magpakumbaba bunsod na rin ng katotohanan na wala pa sa kalingkingan ang tagumpay na inaasahan ng mga tagahanga at tagasuporta ng La Salle sa panahong ng kanyang magmamando.

Payak na panalangin bilang pasasalamat sa biyaya ng Maykapal at pagbibigay katatagan, gayundin ang pagpapakumbaba upang maunawaan ang damdamin ng bawat players, gayundin ang pangunawa ng alumni.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Matapos makuha ang pahirapang 80-76 panalo laban sa matikas na National University Bulldogs, isa-isang tinapik ni Gonzales sa likod ang mga players bilang pahiwatig ng pasasalamat sa kanilang determinasyon para manalo.

“Ok naman po. Happy especially laging pinakamahirap yung first win sa ganitong level,” pahayag ni Gonzales sa text message sa Manila Bulletin/Balita.

Nagpapasalamat din siya sa “great experience” na natutunan niya sa unang dalawang laro ng Archers sa Season 81.

“Great experience for myself and my team, Hoping for more wins to come,” aniya.

Ngunit, ngayon pa lamang, aminado si Gonzales – tumayong assistant coach – kay Glenn Capacio sa Far Eastern University sa UAAP, Philippine Patriots sa ASEAN Basketball League (ABL), GlobalPort (now NorthPort) sa PBA at kay Aldin Ayo sa Letran Knights (2015, NCAA) at ngayon sa Archers – na mabigat ang laban na kanilang susuungin.

Malinaw ang birada ng dabarkads na makausad sa Final Four, ngunit aminado si Gonzales na walang nakalalamang at nakasisiguro sa takbo ng sitwasyon sa kasalukuyan kung saan bawat isa ay posibleng magapi ng karibal.

“Anybody can beat anybody,” pahayag ni Gonzales.

Sa opening game, nalasap ng Archers ang 78-71 kabiguan sa Far Eastern University Tamaraws, 76-71.

“As a coach naman, alam ko na this is part of the process, So ako I am just being optimistic that we can improve as the season goes on kaya we were able to react better in our game against NU,” sambit ni Gonzales.

Dagok sa Archers ang pagkawala ni MVP Ben Mbala, subalit kumpiyansa si Gonzales na makakasalba ang La Salle, higit kung mapapanatili nila ang disiplina at consistency.

“Without Ben to rely on, we need to stick it out and play as a team if we want to achieve our mission,” pahayag ni Gonzales.

Nangako siya na gagawin ang lahat nang kanyang makakaya at kaalaman upang matugunan ang suporta ng La Sallian community, partikulr si DLSU ‘Godfather’ Danding Cojuangco, Jr.,

“Overflowing yung support kaya no reason for me not to give my best and work hard para sa kanila,” pahayag ni Gonzales.

-REY C. LACHICA