SHOWING na sa October ang Tres, na pinagbibidahan ng magkakapatid na Revilla, sina Jolo, Bryan at Luigi Revilla. Si Luigi ang naatasang gumanap sa Amat’s episode ng film na siya ring hudyat ng pagbabalik ng Imus Films sa industriya.

Luigi at Marrki

Maaksiyon ang Amats dahil tungkol ito sa isang drug addict na gustong magbagong-buhay. Gaya ng Virgo at 72 Hours episode, todo rin ang aksyon ng Amats. Dito nagamit ni Luigi ang kanyang kaalaman sa martial arts gaya ng Muay Thai at boxing. Sabi ng aktor, sumasali sa mga competition dati. Kaya nga raw buo ang tiwala ng amang si Bong Revilla na bibigyan niya ng hustisya ang role.

Samantala, ikinuwento rin ni Luigi na nagkaroon ng freak accident sa isa nitong eksena kasama ang singer-actor na si Markki Stroem. Aniya, hindi raw niya sinasadyang tamaan sa pisngi si Markki at mabungian ng ngipin.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“Nagri-rehearse kami no’n, medyo natamaan ko, so nahulog siya. Akala namin acting lang. The next day, nalaman namin na natanggalan siya ng ngipin,” sabi ni Luigi.

Mabuti na lang daw at ang ngipin sa bagang ni Markki ang natanggal.

“Nagkausap kami, sabi niya, na-loose na raw teeth niya before the scene, nagko-complain na siya before (the scene) na masakit ang jaw niya.”

Nag-sorry siya sa aktor at nangako na ipagagawa ang ngipin ang nito. “Humingi ako ng sorry sa kanya. Buti na lang hindi front teeth. Ipapagawa ko, kung anuman ‘yung damage. May mga sponsors naman,” sabay niyang biro.

Sa nasabing panayam ay hiningan ng mensahe si Luigi patungkol sa kanyang papa Bong na magdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong September 24.

“I pray for him to stay strong, alam kong sobrang hirap ang pinagdadaanan niya sa loob.”

Sabi pa niya, maraming oras daw ang nasasayang dahil sa pagkaka-detain ng ama sa Custodial Center sa Camp Crame.

“’Yung one year marami nang magagawa, so much more sa 4 years? So, I pray na makalaya na siya at maibalik ‘yung years na nawala sa kanya,” sey pa ni Luigi.

-Ador V. Saluta