Pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na huwag bumili ng armas at iba pang kagamitang militar at intelligence gadgets mula sa mga bansa na maaaaring makinig sa kanilang mga pag-uusap.

Ito ang idiniin ni Duterte sa pagdalo niya sa 12th activation anniversary ng Mechanized Infantry Division sa Capas, Tarlac nitong Huwebes ng gabi.

Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Duterte sa mga sundalo na ibibigay niya ang lahat ng pinakamagagandang kagamitan, partikular na sa intelligence gadgets, na tutulong sa kanila na episyenteng magawa ang kanilang mga trabaho.

“I guarantee them that for as long as I have my Armed Forces na loyal to the Constitution and to the flag only, to the Constitution, hindi nila tayo matutumba. I guarantee you,” aniya.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“I will provide you with the best,” dugtong niya.

Muli ring binanggit ni Duterte na nais niya na bumili ang AFP ng intelligence gadgets mula sa Israel dahil walang isyu ang Pilipinas sa bansang ito sa gitnang silangan.

“Sabi ko nga, if at all, we can buy our gadgets. Huwag tayo magbili doon sa iba kasi kung gamitin natin ‘yan, tayo pati ‘yung kausap mong commander, pati may isang commander sa p***** i**** labas, nakikinig sa atin,” aniya.

“So doon na lang kayo sa Israel. Wala naman tayong dynamics sa kanila. So most of the orders sa Israel. And the quality is also good,” dugtong niya.

“America, okay. China, still okay. But my military generals want a one made in Israel because it is good and we can be secured,” patuloy niya.

Nagpaalala si Duterte na huwag bumili sa mga ipinapalagay na “spying” countries matapos niyang ilantad na inimpormahan siya ng isang “sympathetic” foreign government tungkol sa planong pagpapabagsak sa kanyang gobyerno.

-Argyll Cyrus B. Geducos