Matapos ang 25-taon na pagkakasara, muling bubuksan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Konsulado ng Pilipinas sa Houston upang serbisyuhan ang lumalaking pangangailangan ng Filipino Community sa south central United States.

Ayon sa DFA, isinara ang Konsulado noong Setyembre 1993, at muli itong bubuksan sa Setyembre 24, 2018. Inaasahang seserbisyuhan nito ang tinatayang 179,000 Pilipino sa naturang estado sa ilalim ng kanyang hurisdiksiyon na Arkansas, Louisiana, Mississippi, New Mexico, Oklahoma at Texas.

“The reopening of the Consulate General is in response to the growing needs of Filipinos in South Central US and the strong clamor of the Filipino community there,” sinabi ni Consul General Jerrill Santos.

-Bella Gamotea
Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal