HALATANG excited and proud si Aga Muhlach sa kanyang bagong pelikula, for the first time ay pinagtatambalan nila ni Bea Alonzo, para mag-post nito last Thursday night sa kanyang Facebook account:

Bea at Aga copy

“Just finished dubbing a couple of scenes for our movie that’s coming out next month. As far as I can remember, I never really asked my friends (you guys) to watch any of my movies and..... this is the first time that I will ask and invite you guys to find time and watch this one. Don’t miss this one. Maraming salamat!

Cheers!! #firstlove ? thank you Paul Soriano Malou Santos Bea Alonzo and everyone involved in making this film! Grabe toh!!!!” Hindi naka-public ang post, friends lang ang nakakabasa na pawang nagugulat na bigla nang marunong mag-imbita sa kanila si Aga para panoorin ang pelikula niya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kahapon ko siya pinadalhan ng message na ito:

“Kailangan kitang isulat dahil sa rare post mo. Hihingi ako ng kahit konting insight mo sa movie ninyo ni Bea. Ano ang pagkakaiba nito sa ibang mga pelikulang nagawa mo noon?”Sa halip na mag-reply, tumawag si Aga na tawa nang tawa.

“Alam mo bang sa eight years kong pagpapahinga sa paggawa ng pelikula, lagi naman akong may meeting sa Star Cinema, sa Viva, pati na sa iba pang producers para sa possible projects pero iniiwasan ko talaga kasing gumawa ng love story,” rebelasyon ng aktor.

“Kaya nga nagustuhan kong gawin ang ‘Seven Sundays’, kasi iba. Ayoko nang magbata-bataan sa pelikula. Kilala naman ako ng publiko, alam nila ang buhay ko, ang edad ko, kaya ayokong magpipilit pa akong bata sa screen. I want to play my age.”

Hindi love story ang unang binalak nilang gawin ni Direk Paul.

“Habang ginagawa ko ang ‘Seven Sundays’, may pinag-uusapan na kaming project ni Paul. Nagustuhan ko rin kasi, hindi nga love story. May istorya na at sa bawat meeting namin, may binabago kami.

Parang susuko na nga si Paul, pero sabi ko, hindi natin bibitiwan ‘to, tuloy tayo! One year namin binuo ang script. Bigla na lang, ibang-iba na, love story na, pero mas maganda at ibang-iba. At dahil love story na nga, may matagal na akong gustong makasama na alam kong babagay sa role ng leading lady.

“Nang mag-usap uli kami ni Paul para sa casting, sabi ko, may isa-suggest ako na sabi ko pa sana magustuhan niya.

Meron na rin daw s’yang naiisip na babagay. Eh, nakakatawa kasi si Bea rin pala ang nasa isip niya. Nang tawagan ko si Bea, na ‘di ko naman dati nakakausap pero meron akong number niya, at tanungin kung willing siyang makasama ako sa movie, natuwang sagot niya, ‘siyempre naman!’ Mararamdaman mo talaga ang Diyos kapag may blessings ang gagawin mo, nagkakatugma-tugma na lang at magaan ang lahat.”

Isang buwan nilang kinunan sa Vancouver, Canada ang First Love.“’Pag shooting, hindi ko talaga tinitingnan ang mga nakukunan. Kaya kahapon, sa dubbing, umiiyak ako sa eksena pa lang!

Alam mo namang kahit kailan ‘di ako nagba-brag, pero ibang-iba talaga ito, brader! Nakita ko na rin kung gaano talaga kagaling na direktor si Paul. Kasi sa shooting, trabaho lang kami, uutusan niya kami ni Bea at ang crew. Pero nang mapanood ko ang mga eksena, grabe, umiiyak talaga ako!”

Sa October 17 ang playdate ng First Love.

“Ang pagkaka-schedule ng Star Cinema sa playdate, tumama naman sa birthday nina Bea at Paul,” masaya pa ring kuwento ni Aga. “When you surrender everything to the Lord, Siya na talaga ang gumagawa ng mga paraan para magaan lang ang lahat.”

-DINDO M. BALARES