PAALALA: Matayog ang lipad ng Adamson Falcons sa UAAP Season 81.

Sinubukang umiskor ni Simon Camacho ng Adamson habang nakabantay si Jason Strait ng UE. (Rio Leonelle Deluvio)

Sinubukang umiskor ni Simon Camacho ng Adamson habang nakabantay si Jason Strait ng UE. (Rio Leonelle Deluvio)

Matapos ang matikas na panalo sa defending champion Ateneo Blue Eagles, nadomina ng Falcons ang University of the East Warriors, 90-76, Miyerkules ng gabi sa MOA Arena.

Hataw si Sean Manganti sa naiskor na career-high 27 puntos, habang kumana si Jerrick Ahanmisi bg 17 puntos para sa back-to-back win ng Adamson – kauna-unahan mula noong 2003.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Matikas na nakihamok ang Warriors, sa pangunguna ni Alvin Pasaol, sa unang bahagi ng laro, ngunit hindi na nakabangon ang UE nang sandaling umarya na ang opensa ng Falcons sa third period.

Naibaba ng Falcons ang 17-0 run tampok ang three-pointer ni Ahanmisi para ilarga ang 42-28 bentahe.

“They’re accepting their respective roles as leaders. I mentioned to them that the young guys will follow them if they play well,” pahayag ni Adamson coach Franz Pumaren.

Natamo ng Warriors ang ikalawang sunod na kabiguan.

Nanguna si Pasaol na may 36 puntos mula sa 14-of-33 shooting, bukod sa 11 rebounds at dalawang assists.

Iskor:

ADAMSON (90) – Manganti 27, Ahanmisi 17, Sarr 15, Camacho 8, Espeleta 8, Lastimosa 5, Colonia 4, Bernardo 2, Catapusan 2, Mojica 2, V. Magbuhos 0, Zaldivar 0.

UE (76) – Pasaol 36, Strait 10, Bartolome 7, Beltran 7, Varilla 7, Cullar 6, Manalang 3, Acuno 0, Antiporda 0, Conner 0, Gagate 0, Sobrevega 0.

Quarterscores: 23-18, 42-32, 67-52, 90-76.