KINALUGDAN ni Filipino International Billiards at Snooker Champion Marlon “Marvelous” Manalo amg panalo ni US-based Marlon Bernardino sa Singapore Open Blitz Chess Championships kamakailan sa The Black Sheep sa Jalan Besar sa Singapore.

Ang 41-years-old Bernardino na ang kampanya sa Singapore ay suportado ni Manalo ay nakakolekta ng eight points mula seven wins at two draws para maghari sa single-round robin, blitz chess tournament sa one day event na inorganisa ng Pubxchess sa pangunguna ni Carleton Lim tungo sa coveted title.

Ang 2005 Virginia, USA Rapid Open champion Bernardino ay isa sa top players ng multi-titled State Colleges and Universities Athletic Association-National Capital Region (SCUAA-NCR) champion Barangay Malamig Rizal Technological University Chess Team noong kalagitnaan ng dekada 90’s ay nag courtesy call kay Manalo nitong Miyerkules sa Barangay Malamig office.

Si Bernardino ay co-champion din sa Moon Cake Rapid Open Chess Championships nitong Setyembre 9, 2018 na ginanap sa Bukit Timah Shopping Centre sa Singapore.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Dinomina ni International Master elect Edgar Reggie Olay ang Open competition matapos ungusan si Bernardino sa tie break points.