MULA sa organic-grown “Kulikot” na isang uri ng sili na nagkakahalaga lamang ng P75 kada kilo, hanggang sa robotic toys na likha ng mga mag-aaral ng Philippine Science High School mula sa bayan ng Baloi, Lanao del Norte.

Ilan lamang ito sa 25 produkto at inobasyon na itinampok sa “National Science and Technology Week (NSTW) sa Amihanang Mindanao,” na idinaos sa Bukidnon State University, kamakailan.

Inorganisa ng Department of Science and Technology (DoST) - Region 10, tampok sa taunang pagdiriwang ang mga lokal na imbesyon mula sa mga paaralan at industriya na naghahangad na makaakit ng mga innovators para sa negosyo at research communities.

Ayon kay Alfonso Alamban, DoST-10 regional director, bukod sa mga exhibit nagkaroon din ng talakayan upang pag-ugnayin ang mga siyentista at eksperto sa mga stakeholdes sa sektor ng akademya at pagnenegosyo.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“From what was highlighted from the visit of our (DoST) Secretary (Fortunato dela Peña), he shared possible projects that can be availed by the private sector--projects that are ready for commercialization,” aniya.

Isang halimbawa ng programa ng DoST na humihikayat sa sektor ng pagnenegosyo ang “Small Enterprises Technology Upgrading Program (SETUP)”—isang pambansang estratehiya upang hikayatin at matulungan ang mga micro, small at medium enterprises sa pag-adopt ng teknolohiya upang paunlarin ang kanilang operasyon at paangatin ang kanilang produktibidad at kakayahan sa kumpetisyon.

Itinampok ng DoST-10 ang Cagayan de Oro-based MJ Foods bilang halimbawa ng tagumpay ng programa na nagresulta sa de-kalidad na mga processed food product.

Nakakuha naman ng interes sa publiko ang organic-grown chili pepper mula sa sariling agricultural office ng Malaybalay lalo’t ilang uri ng sili ngayon ang umabot na sa P1000 kada kilo ang presyo.

Kabilang sa iba pang exhibitors ang Mindanao Silk program ng Philippine Textile Research Institute sa Villanueva, Misamis Oriental, na nagpakita ng mga buhay na silkworms at ipinaliwanag sa mga bisita ang life cycle nito at kung paano nagagamit ang cocoons nito sa produksiyon ng habi.

PNA