Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- Columbian Dyip vs San Miguel Beer

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

7:00 n.g. -- Blackwater vs Barangay Ginebra

SOLONG liderato ang nakatakdang pag-agawan ng defending champion Barangay Ginebra at sopresang co-leader Blackwater sa tampok na laro ngayong gabi sa PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Magkasalo sa maagang pamumuno ang Kings at ang Elite makaraang maitala ang kani-kanilang ikatlong sunod na panalo kontra sa Northport, ang una noong Setyembre 5 sa iskor na 104-98 at ang huli noong nakaraang Miyerkules sa iskor na 113-111.

Sa kabila ng magandang panimula, naniniwala si Ginebra coach Tim Cone na marami pa silang dapat ayusin sa kanilang laro

“We need to be a lot better than what we’re playing right now. We’re not staying to our character at this point. We’re just doing what we can to survive,” pahayag ni Cone.

“We need to find our discipline a little more. We need more flow and we need more focus on defense. Hopefully that stuffs come around as we move forward,” aniya.

Para naman sa Blackwater, bukod sa magandang performance na ipinapakita ng import nilang si Henry Walker, nagbibigay inspirasyon din sa Elite ang lideratong iponamamalas ng kanilang Gilas Pilipinas standout ns si Poy Erram.

Mismong si Erram ang nagsabing malaking tulong ang kanyang Gilas stint para mas maging isang epektibong lider ng kanilang koponan.

Samantala sa unang laro, tatangkain ng San Miguel na makabalik sa winner’s circle matapos ang natamong kabiguan sa ikalawa nilang laro noong Setyembre 5 kontra Blackwater, 100-103.