KAGABI lumabas ang karakter ni Ria Atayde sa teleseryeng Halik bilang si Baste na one of the boys at kasama ni Jericho Rosales sa kumpanya. Hindi pa malinaw sa amin kung ano ang saktong papel ng aktres sa nasabing serye.

Nang magtanung-tanong kami kung ano ang saktong karakter ni Ria sa Halik dahil laging naka-denim, anito, “hindi pa nire-reveal, pero isa siya sa katrabaho ni Echo sa kumpanya.”

Siguradong hindi naman siya ka-love triangle sa pagitan nina Echo, Yam Concepcion, Yen Santos at Sam Milby.

Sa IG video post ni Echo, mapapanood na sumasayaw siya sa kanta ng Momoland kasama sina Ria, Christian Bables at iba pa. Nakakatawa ang naturang video kaya umabot na ito sa 308, 470 views at 1,249 positive comments.

Tsika at Intriga

Niligwak daw sa TNT: ABS-CBN, It's Showtime pinaratangang credit crabber dahil kay Sofronio

Samantala, masaya si Ria na nakatrabaho uli si Echo sa pelikulang The Girl in Orange Dress na entry sa 2018 Metro Manila Film Festival ng Quantum Films kasama si Jessy Mendiola.

-Reggee Bonoan