Inihayag kahapon ng Department of Transportation (DOTr) ang nalalapit na pagbubukas ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Oktubre.

Ayon sa DOTr, sa ngayon ay nasa 98 porsiyento nang kumpleto ang ginagawang terminal, at inaasahang mabubuksan na ito sa publiko sa unang linggo ng Oktubre.

“GOOD NEWS: The Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) is now 98% COMPLETE and is targeted to open by the first week of October this year!” pahayag ng DOTr.

Sinabi ng DOTr na sa sandaling mabuksan na ang terminal, lahat ng bus at UV Express na galing sa southern part ng Luzon, gaya ng Batangas at Cavite, ay sa naturang terminal na lang magbababa at magsasakay.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ang mga bus ay gagamitan ng ticketing system na mayroong QR code, na kayang basahin gamit ang smart phones.

Inaasahang aabot sa 200,000 pasahero ang maseserbisyuhan ng PITX kada araw.

-Mary Ann Santiago