TARGET ng National University ang ikaapat na sunod na korona sa men’s division, habang puntirya ng De La Salle na maidepensa ang titulo sa women’s class sa pagsulong ng UAAP Season 81 chess tournament ngayon sa University of Santo Tomas’ Quadricentennial Pavilion.
Kumpiyansa ang Bulldogs na mapapanatili ang kampeonato, sa kabila ng graduation nina last year’s Board 3 gold medalist Fide Master Austin Jacob Literatus at Board 6 silver medalist Neil Conrad Pondoc.
Sasandig ang NU kina reigning three-time MVP IM Paulo Bersamina, last season’s Board 5 silver medallist Christian Magtabog, Robin Ignacio at Rafael Caneda.
“Sana nga po mag-champion pa din,” pahayag ni Bersamina.
Tinapos ng Bulldogs ang torneo na may 41.5 puntos kontra Green Woodpushers na may 33.5 puntos.
Inaasahan naman ang matinding hamon sa De La Salle ng ar Eastern University sa distaff side. Nakuha ng Lady Woodpushers ang koronan laban sa Lady Tamaraws sa gahiblang 2.5 puntos.
Samantala, puntirya ng FEU-Diliman na maidepensa ang titulo sa juniors class.
Nanaig ang Baby Tamaraws sa nakalipas na season sa impresibong laro ni IM at Asian Youth champion Marvin Miciano.
Naiurong ang torneo na orihinal na nakatakda sa nakalipas na weekend bunsod ng bagyong “Ompong”.