Ni BRIAN YALUNG

NADOMINA ni Filipino bowler George Manozo ang mga karibal tungo sa impresibong panalo at angkinin ang men’s single title ng 2018 Asia Pacific Masters Games tenpin bowling championship kamakailan sa Penang, Malaysia.

IBINIDA ni Manozo ang watawat ng bansa sa Aspac tilt.

IBINIDA ni Manozo ang watawat ng bansa sa Aspac tilt.

Sumabak ang 61-anyos na si Manozo sa 60-years-old and above class, tangan ang averaged iskor na 200 sa anim na laro. Nakaiskor siya ng 243, 234, 235, 264, 260 at 214 sa anim na laro.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“Everything seemed to be going my way. I got the right feeling of the lanes early on and I just kept on going until the end,” pahayag ni Manozo.

Nasungkit naman ng isa pang Pinoy na si Absalon Serrano Jr. mula sa Davao City ang silver medal sa kabuuang 1,178 iskor, kabuntot si Malaysian Yeoh Seng Poh na may iskor na 1,121.