MATAGAL naming tinitigan si Luigi Revilla habang kausap namin siya sa media launch ng pelikulang Tres sa Annabel’s Restaurant nitong Martes. Para sa amin ay medyo malayo ang hitsura niya sa mga kuya niyang sina Bryan Revilla at Cavite Vice Governor Jolo Revilla, dahil hindi siya tsinito.

Luigi Revilla

Kaya inalam namin kung sino ang mas kamukha niya, ang Mama (Lovely Guzman) niya o ang Papa Bong Revilla, Jr. niya.

“Hindi ko po alam, eh. May mga nagsasabing kamukha ko Mama ko, may mga nagsabi rin kamukha ko si Papa,” sagot ni Luigi.Sino ang mas guwapo sa kanilang mga Revilla?“Guwapo kaming lahat,” nakangiting sagot niya, pero sino ang pinakaguwapo para sa kanya? “Si Papa.”Maganda ang relasyon ni Luigi sa mga kapatid niya sa ama, at aminadong sobrang saya niya kapag nagkikita-kita sila. Close si Luigi kina Bryan, Jolo at Ram.

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!

“Depende po sa situation ang pagiging close ko. Si Kuya Bryan, kapag may problema ako, sa kanya ako nagko-confide, tinatawagan ko. Si Kuya Jolo close rin kami, tuwing magus-shooting kami at kapag nag-a-out of the country, kaming magkasama. Si Ram naman kapag may problema siya, ako ‘yung tinatawagan niya, kasi ‘yung age gap namin hindi ganun kalayo.”

Ilang taon na si Luigi nang malaman niyang may first family ang Papa Bong niya?

“Bata pa lang po ako, I knew na, eh. So magaling ‘yung pagka-handle ng mom ko dahil never ko na-feel na ganun or kawawa in a way? Never ko na-feel, I knew naman kahit may family si Papa nandoon naman siya to support me, he was always there for me,” kuwento ni Luigi.

Matagal na panahon na ring may asawa ang mommy ni Luigi, at may dalawa siyang nakababatang kapatid, kaya walang problema raw sa both sides.

Kelan naman siya naging close kina Bryan, Jolo at Ram?“I remember nung nagkita kami sa Boracay at doon na nagtuluy-tuloy. Let’s say maybe nasa 13 years old ako noon, nagkataon kasi Boracay trip ‘yun, I was with my family, my mom. And then sila rin (Bong, Mayor Lani Mercado and kids) nandoon. Nagkataon talaga, siguro kung hindi nangyari ‘yun, siguro hindi kami naging ganito pa.”

Lahat daw ng gastos ni Luigi sa pag-aaral ay sinagot ng dating senador, at ipinagmalaki rin ni Luigi na maayos ang relasyon niya kay Mayor Lani.

“When I first went to Alabang (Revillas’ home) parang never ko na-feel na I wasn’t welcome, from day one talaga. I’m sure, kahit paano masakit ’yun, eh, kay Tita Lani.

“You can’t deny na, siyempre, may anak si Papa sa labas. Pero grabe, bilib ako sa pag-handle niya ng situation, dahil she never made me feel na I was out of place, especially when I visit, parang siya pa ’yung nagpapakain sa akin.

“And I love Tita Lani. I see her as my second mom, and my mom and her are okay also, and I’m just really happy and blessed that she and my siblings accepted me to the family. And ngayon, sobrang close kami.”

Never daw na nagkulang sa kanya ang Papa Bong niya.

“Papa was always there to support me. Nung grade school po, I studied in Ateneo, then high school, Ateneo and Ridley (International School), and then college Enderun College, I took-up Entrepreneurship,” sabi pa ni Luigi.

Sa madaling salita, pagnenegosyo ang gusto ng nakababatang kapatid nina Bryan at Jolo, at walang interes sa pulitika.

“Yes po, I put up a cat café with my wife actually sa Las Pinas, it’s Bistro Meau (Exotic Cat Café), and small business lang, carbon fiber body sticker. But right now, I’m working with my wife’s family business, it’s a marketing and manpower agency,” masayang kuwento ni Luigi.

Sa edad na 26 ay may asawa’t anak na si Luigi. Best friend niya ang misis niyang si Katrina Andres, at ngayon ay one year old na ang anak nilang si Lucas.

Tinanong namin kung nagbilang siya ng girlfriends. “Hmm, nabibilang naman po sa mga daliri ko sa kamay, hanggang doon lang,” natawang sagot sa amin.

Samantala, unang pelikula ni Luigi ang Tres, at siya ang bida sa episode na “Amats”, na ayon sa kanya ay na-enjoy niya ang shooting pero kinakabahan siya.

Open siya na masundan ang Tres dahil noon pa naman ay gusto na niyang mag-showbiz din, kaso mas inuna niyang magtapos ng pag-aaral.

“As of now po, I’m under Star Records. I played the guitar.”

Nabanggit naman ng Tita Andeng Revilla-Ynares ni Luigi na ang pamangkin daw niya ang kumanta ng isa sa soundtrack ng Tres at maririnig daw ito sa grand media presscon sa susunod na linggo.

Ang Tres ay mapapanood na sa Oktubre 3, produced ng Imus Production at Cine Screen under Star Cinema.

-REGGEE BONOAN