TILA nakabuti para sa Adamson University ang mahabang break dahil nagawa nilang talunin ang dating unbeaten na Far Eastern University, 59-55, kahapon ng umaga sa pagpapatuloy ng aksiyon sa women’s basketball ng UAAP Season 81 sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay.

Nagkaroon ng mahabang break ang Lady Falcons dahil naipagpaliban ang dapat na laban nila kontra season host at defending champion National University Lady Bulldogs dahil sa bagyong “Ompong”.

Ginamit naman ni Adamson legend at head coach Ewon Arayi ang pagkakataon upang ihanda ang kanyang mga players.

“Actually, I let them watch mga motivational movies,” ayon kay Arayi. “Pinakausap ko rin sa kanila yung old batches ng Adamson, yung 2002 at 2007, para malaman nila kung ano ang feeling ng mga champion. Sabi kasi nila, last championship pa nila nung high school pa sila. If you know that feeling, namomotivate ka e.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa pamumuno ni 3rd-year center Nathalia Prado, umagwat ang Lady Falcons ng 16-puntos, 53-37.

Tumapos si Prado na may 19 puntos at 12 rebounds kasabay ng mahigpit na depensang ginawa niya kay 6-foot-5 FEU center Clare Castro.

Hindi naman ganun kadaling napigil sina Castro at Valerie Mamaril para sa FEU na nakuha pang tapyasin ang kalamangan sa dalawa, 55-57, may 1:04 pang oras na nalalabi.

Ngunit, kasunod nito ay tatlong sunod na turnovers ang ginawa ng FEU habang sinelyuhan ng free throws nina Kath Araja ay Tin Camacho ang unang panalo ng Adamson.

Tumapos na topscorer para sa Lady Tamaraws si Castro na may 19 puntos, 18 rebounds, at 8 blocks kasunod si Mamaril na may 13 puntos.

-Marivic Awitan

Iskor:

(Unang Laro)

AdU (59) - Prado 20, Araja 9, Camacho 9, Alcoy 6, Aciro 6, Rosario 5, Razalo 2, Bilbao 2, Tandaan 0, Cabug 0, Osano 0, Cacho 0.

FEU (55) - Castro 19, Mamaril 13, Bastatas 8, Antiola 5, Taguiam 4, Adriano 3, Quiapo 3, Abat 0, Bahuyan 0, Dugay 0, Hortaleza 0, Payadon 0, Vidal 0.

Quarterscores: 15-18, 29-30, 53-39, 59-55

(Ikalawang Laro)

DLSU (64) -- Claro 12, Arciga 12, Quingco 10, Torres 7, Del Ocampo 5, Castillo 5, Jimenez 4, Revillosa 4, Nunez 3, Paraiso 2, Binaohan 0, Espinas 0.

UE (61) -- Ganade 14, Pedregosa A. 12, Cortizano 10, Requiron 10, Francisco 7, Pedregosa P. 5, Nama 3, Strachan 0, Ordas 0, Borromeo 0.

Quarterscores: 17-21, 36-28, 50-45, 64-61