MAGSASANIB pwersa ang Pinoy Youth Dreamers, isa sa mga matagumpay na youth basketball program, at Arceegee, ang popular na sportswear provider, para itaguyod ang isang malaking 3-on-3 tournament simula Sept. 22.

Tatawaging Arceegee X PYD Tatluhan Showcase, ang four-part tournament na idaraos sa Pasig, Quezon Province, Bulacan at Malabon ay umaasam na makatuklas ng mga bata at talentadong players para mabigyan ng kaukulang training at exposure.

Ang overall champion ay magkakaroon din ng pagkakataon na lumahok sa gagawing Dreamers International 3on3 Basketball Challenge sa Ho Chi Minh, Vietnam sa Nob. 2-4

“Magandang oportunidad ito para sa ating mga young players na lalo pang hasain ang kanilang mga kakayahan at makatunggali ang ibang manlalaro mula ibang bansa,” pahayag ni Rinbert Galarde ng Arceegee.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“Natutuwa kami sa Arceegee na makatuwang ang PYD at coach Beaujing Acot, sa pagtataguyod ng 3-on-3 tournament na ito,” pahayag ni Galarde, na matagal ng supporter ng basketball sa Makati at Malabon.

Narito ang kompletong iskedyul ng laro.

Manila leg- Venue: Barangay San Antonio Pasig City, Sept. 22. Contact person: Coach Vengie Gabales (0998-9620294).

Quezon Province leg - Venue: Batis Aramin Resort and Hotel Lucban, Quezon. Sept. 23. Contact: Chicoy Capistrano.

Bulacan leg- Venue: Villa Desta Basketball Covered Court, Brgy. Atlag, Malolos Bulacan, Sept. 29. Contact: Coach Mel Arcena (0906-3564625), Coach Mark Domingo (0915-1231873).

Malabon leg -- Venue: Barangay Tonsuya Basketball Court, Malabon, Oct. 6. Contact: Coach Okkin Cartago (0945-8443086).

Ang tournament ay bukas sa mga players 18 years old at pababa. Bawat team ay maaari lamang magsali ng apat na players.

Ang tournament fee ay P3,000, kasama ang mga freebies mula Arceegee Sportswear at ibang PYD partners.