Pinangangambahang mawalan ng state-funded scholarship ang aabot sa 350,000 estudyante sa susunod na taon, ayon sa Commission on Higher Education (CHEd).

Ginamit na dahilan ni CHEd Commissioner Prospero de Vera III ang pagtapyas ng Department of Budget and Management (DBM) sa pondong ilalaan sa programa ng komisyon na “Tulong Dunong”.

Aniya, mula sa dating P4.19 bilyon, magiging P1.19 bilyon na lang ang scholarship ng mga estudyante, o natapyasan ng 251%.

Sa ilalim ng nasabing programa, bawat estudyanteng naka-enrol sa pampubliko o pribadong unibersidad ay nabibigyan ng mga lokal na opisyal upang maka-avail ng P12,000 financial assistance kada taon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“More or less, the number of students affected is 350,000. That (reduction) is okay as far as [scholars from] public universities is concerned [because of the Free College Education law], but as for those enrolled in private universities, then there is no more subsidy going to them,” ani de Vera.

Sa kabila nito, sinabi ng CHEd na may pag-asa pa rin na ang mga apektadong benepisyaryo ay matutulungan ng P16-bilyon Tertiary Education System (TES) program, na susuporta sa matrikula at iba pang bayarin sa eskuwela, kabilang ang living allowance at school supplies.

-Jun Fabon